Friday, April 5, 2013

My own experience about the "Souls in Purgatory" - Anonymous

[English]
Easter Sunday, Mass has ended and I am going to light some candles for all the souls in purgatory. I've been doing this for quite a long time but I can't remember when did I started offering candles and prayers for them.

After lighting the candles I began to pray, 1 Our Father... 3 Hail Mary's... 1 Glory be and the Fatima Prayer. Then I offered them up to our Heavenly Mother so she can used them and help the holy souls, who are so long forgotten and suffering the most in purgatory.

During prayer, I heard a soft peaceful voice who said: "On the day of the Last Judgement God will recall this moment in your life, on how much you have love us". I was surprised at first but afterwards peace reigned in my soul. Could it be "a soul in purgatory" expressing his gratitude? I really don't know but one thing is for sure, and all the saints have proved it, All those poor souls suffering in the prisons of purgatory love us and how they wanted all of us to be saved too.

But few people remember them. Few offer their prayers for them. If only people know how much they can pray for us. They would take the task of offering even a simple prayer everyday for their relief.

[Filipino]
Linggo ng Pagkabuhay, tapos na ang misa at nais kong magsindi ng ilang mga kandila para sa mga kaluluwa sa purgatoryo. Matagal-tagal ko na din itong ginagawa ngunit hindi ko na maalala kung kelan ko sinimulan ang gawaing ito.

Pagkatapos kong sindihan ang mga kandila sinimulan ko ng magdasal, Isang Ama Namin... 3 Aba Ginoong Maria... Isang Luwalhati... at ang panalangin na itinuro ng Mahal na Birhen sa Fatima. Inialay ko iyon sa Mahal na Birhen sapagkat alam kong siya ang higit na nakakaalam kung sino sa mga kaluluwa sa purgatoryo ang mga lubos na naghihirap doon, higit na nangangailangan ng awa at higit na nangangailangan ng kaginhawaan.

Habang ako ay nananalangin ay narinig ko ang isang payapa at mahinahon na tinig na nagsabi: "Sa araw ng paghuhukom ipapaalala sa iyo ng Diyos ang tagpong ito sa buhay mo at kung gaano mo kami minahal". Sa simula ay ako'y nagulat ngunit kapayapaan ang bumalot sa aking kaluluwa pagkatapos kong marinig ang tinig. Siya ba ay isang "kaluluwa sa purgatoryo" na lubos na nagpapasalamat? Ang totoo'y hindi ko alam ngunit ako'y nakasisiguro, at lahat ng mga banal ay pinatotohanan ito, lubos tayong minamahal ng mga kaluluwang ito at ibig din nila na tayong lahat ay maligtas.

Ngunit bihirang bihira ang mga taong nakaka-alala sa kanila. Bihira ang mga taong nagdarasal para sa kanila. Kung alam lang ng mga tao na mataimtim din nila, mga kaluluwa sa purgatoryo, tayong ipinagdarasal sa araw-araw. Magtatalaga sila ng kaunting oras sa isang araw para mag alay ng panalangin para sa mga kaluluwang ito na lubos na naghihirap doon.

0 comments:

Post a Comment